DILG, hinikayat ang lahat ng LGU’s na paghandaan ang magiging epekto ng La Niña sa bansa

Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Interior and Local Government o DILG ang lahat ng Local Government Units na paghandaan ang maggiing epekto ng La Niña sa bansa na patuloy na minomonitor ng PAG -ASA.
Base sa ipinalabas na Memorandum Circular ni DILG OIC Catalino Cuy hinimok nito ang mga Provincial Governors, City at Municipal Mayors at maging ang mga Brgy. Chairman na pulungin habang maaga pa ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council para magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment lalo sa mga flood prone at landslide risk areas na kanilang nasasakupan.

Base sa Seasonal Climate Outlook ng PAG-ASA na sumusubaybay sa Development ng La Niña sa Tropical Pacific Region nagpapakita umano ito ng paglamig ng temperatura sa Sea Surfaces Temperatures.

Pinaghahanda na rin ni Cuy sa mga Chief Executives ang kanilang La Niña Action at Oplan Tag-ulan at kung kailangab repasuhin ito bago isumite sa DILG Field Office para pag-aralan base na rin sa Foreasy ng PAG- ASA.


Inatasan din ni Cuy ang mga LGU na makipag-ugnayan sa PAG-ASA para sa Weather Updates at Mines Geosciences Bureau para sa impormasyon tungkol sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa ng kani-kanilang lugar.

Facebook Comments