Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Local Government Units (LGU) sa bansa na palakasin pa ang ‘Botika ng Bayan at Botika ng Barangay’ programs sa kanilang lugar.
Kasunod ito ng ulat na ilang sari-sari stores ang nagbebenta ng medisina at mga pekeng gamot na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Sinabi ng kalihim na sa ngayon ay mayroong 170 Botika ng Bayan outlets ang naitayo sa buong bansa.
Nabatid na ang Botika ng Barangay program ay inilunsad noong 2001 ng administrasyon ni dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo.
Muli naman itong binuhay ng administrasyong Duterte noong 2018 sa ilalim ng pangalang Botika ng Bayan.
Facebook Comments