DILG, hinikayat ang mga LGU na maglagay ng live streaming upang masaksihan ang panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos

Pinapayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na maglagay o mag-set-up ng live streaming ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ito ay upang makapanood ang kanilang mga constituent at hindi na kailangan pang pumunta sa National Museum.

Ayon kay Usec. Malaya, mayroon ding mga lugar sa lungsod ng Maynila na mayroong ganitong set-up para makapanood ang publiko tulad sa Padre Burgos at sa Intramuros golf course.


Sinabi pa nito na para sa mga gustong manood ng inagurasyon ng live sa National Museum, mahigpit nilang ipatutupad ang minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, dapat ay fully vaccinated at dapat ay may dalang vaccination card.

Inaasahan aniyang nasa 1,250 ang mga panauhing dadalo pero hindi pa kasama rito ang mga bisita na opisyal na inimbitahan ng Office of the President.

Facebook Comments