DILG, hinikayat ang mga LGU na tapusin ang evacuation sa mga nasa high-risk na komunidad sa Linggo

Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na tapusin na ang preemptive o mandatory evacuation sa mga high-risk na komunidad sa Linggo, November 9.

Bunsod ito ng inaasahang pagpasok ng Bagyong Uwan, na may international name na Fung-Wong, sa bansa.

Nanggaling ang direktiba sa situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung saan iniutos ang mas paigtinging paghahanda at ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga residenteng inaasahang maaapektuhan ng pagtama ng bagyo.

Pinaalalahanan ng DILG ang mga LGU na huwag hintayin na lumala ang sitwasyon bago umaksyon.

Dagdag pa rito, pinaghahanda na rin ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa mga evacuation center na dapat may sapat na suplay at kuryente, at masiguro ang tamang pamamahala sa mga evacuee.

Facebook Comments