DILG, hinikayat ang mga LGU na tumulong upang labanan ang pagkalat ng monkeypox

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na magsagawa ng proactive measures upang labanan ang pagkalat ng monkeypox.

Sinabi ito ni Interior Secretary Benhur Abalos kasunod ng pagkakatala ng unang kaso ng virus sa bansa.

Ayon kay Abalos, dapat magkaroon ng malapit na ugnayan ang Local Government Units (LGU) sa Department of Health (DOH) upang magpatupad ng mga hakbang upang labanan ang pagkalat ng monkeypox.


Sa ngayon ay mahigpit na nakabantay ang DOH sa mga biyaherong papasok at palabras ng bansa na posibleng may dala ng virus.

Hinikayat naman ng kalihim ang publiko na tumalima sa minimum public health protocols bilang pag-iingat sa monkeypox at maging sa COVID-19.

Facebook Comments