DILG, hinikayat ang publiko na maghain ng reklamo kung may anomalya sa pamamahagi ng ayuda

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na isumbong ang anumang anomalya sa pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus.

Ito ang sinabi ng kagawaran sa harap ng mga ulat na mayroong korapsyon at may pinapaboran ang distribusyon ng government assistance.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, may mga barangay official, tanod, barangay health workers na maaaring makatanggap ng ayuda basta pasok sila sa low-income sector.


Iginiit ni Malaya na ang cash aid na ipagkakaloob ng national government ay para sa low-income individuals lamang.

Hindi na aniya ito katulad ng Social Amelioration Program (SAP) kung saan prayoridad ay ang mga pamilya sa informal sector.

Ang bawat indibidwal ay makaktanggap ng 1,000 pesos o ₱4,000 kada pamilya.

Facebook Comments