DILG, hiniling na ipawalang bisa ang mga business permits ng mga establisyimento na nagtatapon ng dumi sa Manila Bay

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga municipal mayor  na kanselahin ang mga  business permits ng mga establisyimento na patuloy pa rin na nagtatapon ng dumi sa  Manila Bay Watershed Area.

 

Sinabi ni Undersecretary Jonathan Malaya na kabilang sa mga nakatanggap ng direktiba  mula kay Secretary  Año ay ang lahat ng mayors sa National Capital Region , Central Luzon at  Calabarzon.

 

Mayroong  178 na lungsod at munisipalidad ang nasa paligid ng  Manila Bay Watershed Area.


 

Nakasaad sa memorandum na lahat ng establisyimento ay dapat makasunod sa mga probisyong the National Building Code,  Fire Code, sa Code on Sanitation at ibang mga  regulasyon sa pangaalaga ng kalikasan.

 

Una nang nag inspeksyon ang Department of Environment and Natural Resources at  Laguna Lake Development Authority sa mga  commercial establishments upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga environmental laws.

Facebook Comments