Bagama’t humaharap ang bansa sa pandemya, hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang banta ng sakuna.
Naniniwala si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na hindi puwedeng magpaka-kampante sa ipinakikitang pananahimik ng banta ng kalamidad.
Hinikayat niya ang lahat ng barangay sa bansa na maging proactive sa kanilang disaster risk reduction.
Maaari aniyang pagbatayan sa pag-formulate ng contingency plan ang Geohazard Threat Advisories ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Nilalaman ng MGB Geohazard Threat Advisories ang mga critical at up-to-date information sa mga lugar na disaster-prone gayundin ang mga rekomendasyon sa preemptive measures para sa mga Local Government Unit .
Partikular na pinaghahanda ni Diño ang mga baramngay na may mga lugar na madaling bahain, pagguho ng lupa at madaling tamaan ng lindol.
Giit ni Diño, dapat na makipag-coordinate ang mga barangay sa kanilang mga City o Municipal DRRMC at local DENR-MGB upang magabayan.