Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa mga obstructions at hazardous activities sa mga linya ng kuryente.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ngayong tumataas ang demand sa kuryente dahil sa tag-init, dapat na makontrol ng LGUs ang mga aktibidad na makasagabal sa linya ng kuryente.
Ito’y upang matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng kuryente para sa mga negosyo, tirahan, at iba pang lugar.
Paliwanag ni Año, dapat tiyakin ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang integridad at kaligtasan ng mga planta na nagbibigay ng suplay ng kuryente.
Responsibilidad din ng mga LGU na ipaalam at turuan ang kanilang mga nasasakupan tungkol sa umiiral na Republic Act 11361 at mga regulasyon at patakaran.