DILG, hinimok ang mga LGU na magtayo ng ng kanilang local price coordinating council

Hinikayat ni Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., ang lahat ng local chief executives sa buong bansa na bumuo ng kanilang Local Price Coordinating Council (LPCC) na tututok sa suplay at presyo ng noche buena items ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Secretary Abalos na kailangang masubaybayan at matutukan ang halaga ng mga pangunahing bilihin ngayong Christmas season.

Kabilang sa responsibilidad ng mga miyembro ng LPCC na protektahan ang kapakanan at interes ng mga mamimili at bantayan ang labis at hindi makatwirang pagtaas ng presyo sa merkado.


Katuwang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Department of Trade and Industry (DTI); Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagtiyak na hindi maaabuso at walang magsasamantala sa presyo ng mga produkto.

Nagbabala ang kalihim sa mga indibidwal at pamilihan na nagbabalak lumabag sa mga alituntunin ng pamahalaan na kailangang nilang sundin ang Suggested Retail Price (SRP) sa ilang mga produkto .

Facebook Comments