DILG, hinimok ang mga LGUs na tanggapin ang lahat ng vaccination card ng mga biyahero

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na tanggapin ang mga vaccination card ito man ay VaxCertPH digital certificate o Local Government Units (LGUs) issued vaccination card.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, hindi maaring obligahin ang mga domestic travelers o bumibiyahe na makapagpakita ng VaxCertPH digital certificates dahil nasa soft launch palang ito.

Nagpalabas na rin ng memorandum si Interior Secretary Eduardo Año sa mga LGU matapos mapag-alaman na may ilan sa mga ito ang hinahanapan ng VaxCertPH ang mga biyahero.


Ani Año, hindi ito maaring gawin dahil limitado pa ang operasyon nito.

Sa ngayon aniya ay marami pang LGUs ang hindi pa nakapag-encode ng detalye ng kanilang mga nabakunahan kung kaya’t di pa operational ang VaxCertPH.

Sa ngayon ay available ang VaxCertPH sa mga OFWs at mga Pilipinong bumibiyahe sa ibayong dagat.

Facebook Comments