DILG, hiningi ang kooperasyin sa dry run ng ASEAN convoy bukas

Manila, Philippines – Hinimok ng DILG ang kooperasyon sa mga motorista sa posibleng idudulot ng mabigat na epekto sa trapik sa southbound lanes ng SCTEX , NLEX, at iba pang lugar ang dry run bukas ng mas mahabang ASEAN convoy.

Sa panig ng ASEAN Security Task Force , pinayuhan ni ASTF Commander Napoleon Taas, ang mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa southbound lanes ng Subic-Clark-Tarlac Expressway at North Luzon Expressway.

Bukas may 20 senaryo ang gagawin ng convoy dry run para sa mga foriegn delegates mula sa Clark International Airport sa Angeles, Pampanga.


Tutuloy ang convoy sa Manila, Bonifacio Global City sa Taguig City, at Makati City at pagkatapos dediretso ng Philippine International Convention Center na makakaapekto sa daloy ng trapiko sa Jalandoni St., Arnaiz St., at V. Sotto St. sa Pasay City.

Ang iba pang lugar na maapektuhan bukod sa southbound lanes ng SCTEX, NLEX, at EDSA, ay ang ilang area sa Makati, Taguig, Pasay, at Manila.

MAY mga possible check points din ang ilalagay ng ASEAN task force sa South Luzon Expressway Skyway, Buendia Extension, J. W. Diokno Boulevard, at Roxas Boulevard, McKinley Street, 5th hanggang 30th Streets sa Taguig City, Ayala Avenue at Makati Avenue sa Makati City .

Facebook Comments