DILG, humingi ng despensa sa mga munisipalidad sa bansa na wala pa ring sariling firetrucks na magamit sa pagresponde tuwing may emergency sa kanilang lugar

193

Manila, Philippines – Humingi ng despensa si DILG OIC Catalino Cuy sa 400 na munisipalidad sa buong bansa na hanggang ngayon ay wala pa ring sariling firetrucks na agad makapagresponde sa oras ng emergency sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay Cuy, ilan sa naturang mga bayan ay tatanggap sana ng 24 na mga bago Rosenbauer firetruck na nanatiling nakatambak sa Port of Batangas simula pa noong Abril taong kasalukuyan.

Paliwanag ni Cuy, ang 24 na units ng firetrucks ng second batch ng Rosenbauer firetrucks mula Austria na ngayon ay nakabinbin ang peitisyon sa Korte Suprema dahil sa kwestonableng deal.


Giit ni Cuy na pinayuhan ng Solicitor General ang ahensya na antayin muna na maresolba ang isyu sa korte bago ang pamamahagi ng firetrucks.

Facebook Comments