DILG, idinepensa ang pagtanggal ng travel authority at quarantine requirements para sa pagbiyahe!

Dumipensa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa batikos ni Vice President Leni Robredo na posibleng sumipa ang kaso ng COVID-19 sa pagtanggal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa travel authority at quarantine requirement.

Paglilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, hindi requirement ng pambansang pamahalaan ang pagkuha PCR test bago bumibiyahe.

Sa ilalim ng new protocols, nasa pagpapasiya na aniya ng mga lokal ng pamahalaan kung itatakda ang pagkuha ng RT-PCR test, pero hindi dapat gawing requirements bago payagan ang sinumang makabiyahe.


Dagdag ni Malaya, ikinunsulta rin nila sa mga health expert ang quarantine requirement.

Batay sa kanilang rekomendasyon, walang traveler na dadalhin sa mga facility-based quarantine kung wala namang sintomas.

Aniya, maliit na lang ang posibilidad na makahawa ang mga Locally Stranded Individual dahil humina na ang infection rates.

Sa ngayon aniya ay mataas na ang compliance rates sa minimum health standards o may malay na ang publiko kung paano protektahan ang kanilang pamilya sa COVID-19 .

Facebook Comments