DILG, idinepensa ang PNP sa pag-aresto kay Dr. Natividad Castro

Ipinagtanggol ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga police officers na kinuyog ng batikos sa pag-aresto kay Dr. Natividad Castro na sinasabing miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ginawa ng DILG ang pahayag kasunod ng ginagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa posibleng paglabag sa police procedure ng nangyaring pag-aresto.

Ayon kay Secretary Año, hindi warrantless arrest ang ginawang pag-aresto kay Dra. Castro.


Naglabas ng warrant of arrest ang Bayugan City Regional Trial Court (RTC) laban kay Dr. Natividad Castro at bilang agents of the court, ginagampanan lang ng PNP ang kanilang tungkulin.

Giit ng kalihim, nakitaan ni Judge Fernando Fudalan ng RTC Branch 7 sa Bayugan City, Agusan del Sur ng probable cause ang kasong kidnapping at serious illegal detention na isinampa sa akusado kaya’t may basehan ang aksyon ng mga awtoridad.

Apela ni Año sa Free Legal Assistance Group, ngayong nasa korte na ang kaso ni De Castro, hayaang umusad na lang ang proseso ng hustisya.

Facebook Comments