Walang bansa sa buong mundo ng nagbabawal sa paggamit ng pwersa ng militar lalo na’t kung nahaharap sa krisis ang isang bansa.
Ito ang binigyan diin ng Department of the Interior and Local Government kasunod ng mga batikos sa paggamit ng gobyerno sa militar sa nakatakdang COVID-19 vaccine roll-out ngayong Pebrero.
Sa interview ng RMN Manila kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sinabi nito na ang militar ang nangunguna sa mga disaster at humanitarian efforts, kaya wala silang nakikitang masama kung ang security forces ang manguna sa COVID-19 vaccine roll-out.
Una nang naki-usap si Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA na huwag harangin ang mga bakunang ide-deploy sa mga kanayun ngunit tila binalewala ito ng grupo at naglatag pa ng mga kondisyon.
Bunsod nito, nagbanta si Malaya sa mga Local Government Officials na tutulong sa rebeldeng grupo na posibleng maharap sa kaukulang kaso.
Nabatid na uunahin ng pamahalaan na bigyan ng anti-COVID-19 vaccine ang mga lugar at kanayunan na may mataas na kaso ng virus.