DILG, iginiit na hindi pork barrel ang P16.44 billion allocation sa NTF-ELCAC

Nanindigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pork barrel ang ₱16.44 billion na inilaang pondo para sa Support to the Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 822 barangay beneficiaries ng programa ay hindi vote-rich areas.

Kabilang sa mga proyekto sa ilalim ng programa ay ang pagtatatag ng farm-to-market roads, barangay health centers at school buildings.


Iginiit din ni Año na hindi gagamitin ang nasabing pondo bilang “election war chest.”

Aniya, dadaan ito sa Commission on Audit ay mayroong monitoring at evaluation.

Pagtitiyak ni Año na gagamitin sa wasto ang pondo.

Mayroon silang “initial listing” ng mga proyekto na isusumite sa Office of the President.

Facebook Comments