Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ituturing nang COVID-19 free ang Pilipinas kung ipinatupad na ng pamahalaan ang “new normal” protocols.
Ito ang pahayag ng ahensya para itama ang mga paniniwalang kapag ibinaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang isang lugar ay ligtas na ang mga ito mula sa virus.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi sana tataas ang kaso ng COVID-19 kung sumusunod lang ang lahat sa quarantine protocols.
Sa mga nagrereklamo dahil nawalan ng trabaho, aminado si Año na problema ito sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang mga nawalang trabaho at kabuhayan ay magbabalik kapag sumunod lamang ang lahat sa quarantine protocols.
Mahalaga aniyang isipin ng mga tao na nananatili silang buhay at ligtas sa gitna ng pandemya.