DILG, iginiit na walang ilalabas na rally permits sa araw ng SONA

Walang iisyung rally permits sa araw ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inilabas na abiso ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan ipinapaalala sa lahat ng Local Government Units (LGUS) na sundin ang pagbabawal sa mass gatherings alinsunod sa health protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, dapat bawiin ng mga LGU ang anumang rally permit na kanilang naisyu at huwag nang maglabas pa sa araw ng SONA.


Ang regional directors ng DILG ang inatasang mag-monitor at mag-report ng kanilang compliance ng mga LGU.

Kaugnay nito, pinayuhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas ang mga grupo na gawin ang kanilang protesta online.

Nasa 5,600 police personnel mula sa lahat ng uniformed services ng pamahalaan ang ide-deploy sa SONA.

Facebook Comments