Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang maayos na pagpapatupad ng Oplan Balik Eskwela ngayong Lunes, August 22.
Ayon kay DILG Secretary ‘Benhur’ Abalos Jr., naging mahusay ang koordinasyon ng mga taga-pamuno ng mga eskwelahan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang malinis ang mga sagabal sa mga road networks patungong mga eskwelahan.
Naging maayos din ang pagpapatupad ng daloy ng trapiko sa tulong ng mga barangay police officers.
Pinuri rin ni Abalos ang Department of Education (DepEd) sa mga isinagawang maagang building inspections para matiyak ang structural integrity ng mga school facilities.
Gayundin ng paggamit nila ng kanilang special education fund para sa repair at maintenance ng mga school buildings at facilities.
Pinasalamatan din ng kalihim ang Philippine National Police (PNP), ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kanilang pagpapanatili ng kaligtasan at sa mga naitulong ng mga ito sa isinagawang clean-up drives at voluntary repair works ng mga eskwelahan.