Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng Bagyong Ambo na paganahin ang kanilang “Oplan Listo” protocols para mabawasan ang posibleng pinsala sa ari-arian at buhay.
Ayon kay DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, mahalagang mag-convene ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at magkaroon ng paghahanda lalo na at may banta rin ng coronavirus.
Pagtitiyak ni Malaya na hindi gagamitin bilang evacuation centers ang COVID-19 centers.
Mahalagang ipinapatupad ang physical distancing, personal space, one-way entrance at exit, sa evacuation centers.
Dapat din aniyang magkaroon ng sanitation facilities, proper waste management, at infirmaries.
Inatasan na ng DILG ang LDRRMC na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.