DILG, ikinatuwa ang pagbasura ng SC sa kahilingang magpatupad ang gobyerno ng libreng COVID-19 mass testing

Ikinagalak ng Department of the Interior and Local Government ang naging pagbasura ng Supreme Court sa petition for mandamus ng ilang grupo na humihiling na atasan ang DILG at iba pang government agencies na magpatupad ng libreng free COVID-19 mass testing.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, ang desisyon ng mataas na hukuman ay tuluyang tumuldok sa tinatawag nilang “propaganda stunt” ng ilang grupo.

Ikinatuwa ng DILG ang pahayag ng Supreme Court na hindi na kailangan ang mass testing dahil may gumugulong nang comprehensive COVID-19 testing program.


Ayon kay Malaya, mayroon nang Inter-Agency Task Force (IATF) health protocols na nagkakaloob ng free testing para sa mga health workers, close-contacts sa COVID-19 patients at sa mga may sintomas ng COVID-19.

Aniya, prayoridad ang mga may posibleng COVID-19 sa expanded testing sa ilalim ng DOH Department Memorandum 2020-0151 at sa Department Circular No. 2020-0179.

Facebook Comments