Ikinalugod ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakatalaga sa National Democratic Front (NDF) bilang terrorist organization.
Nauna rito, naglabas ng resolution ang Anti-Terrorism Council (ATC) na nagsasabing may malakas na ebidensya na magpapatunay na nilabag ng NDF ang Anti-Terrorism Act of 2020, partikular ang probisyon sa conspiracy to commit terrorism, recruitment ng membership sa isang terrorist organization, at ang pagkakaloob ng material support sa mga terorista.
Dahil dito, pwede nang i-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga propredad, funds, at ibang accounts ng NDF na posibleng nagagamit upang pondohan ang recruitment at pag-consolidate ng pwersa ng NPA at makapaglunsad ng pag-atake sa tropa ng gobyerno.
Ayon ky Año, isang itong malaking tagumpay ng pamahalaan at ng publiko.