DILG, ikinatuwa ang programa sa road clearing at disaster preparedness ng San Jose del Monte LGU

Ikinatuwa ng DILG ang halimbawa na ginagawa San Jose del Monte , Bulacan sa pagpapatupad ng  advocacy campaign ng ahensya.

Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, kinikilala nila ang matagumpay na implementasyon sa San Jose del Monte ng road clearing at disaster preparedness program.

Gayundin ang  pagpapabilis sa pagproseso ng mga negosyo na nag-ambag sa pagtaas ng kita sa buwis ng siyudad.


Pinapurihan din ni Malaya ang epektibong quarterly town hall meetings na ginagawa ng mag-asawang Mayor Arturo Robes at SJDM Rep. Florida “Rida” Robes.

Partikular dito ang ‘Disiplina Muna National Advocacy Campaign’ na nakatuon  sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Sinisiguro ng mga Robes na mananatili silang kaagapay ng mga residente ng SJDM sa pamamagitan ng may regular na “Ugnayan sa Barangay” Town Hall Meeting.

Facebook Comments