Isinasapinal na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga lokal na pamahalaan na bigong makasabay sa pagpapaigting ng COVID vaccination program ng pamahalaan.
Kasunod na rin ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin pa ang pagbabakuna ng bansa laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na isinasailalim pa nila sa validation ang report hingil dito na nagmula sa National Vaccination Operations Center (NVOC).
Show cause order muna aniya ang ilalabas ng DILG upang pagpaliwanagin ang mga LGU kung bakit hindi naabot ng mga ito ang target o kung bakit nagkaroon ng vaccine wastage.
Sa oras aniya na maaprubahan ni Secretary Año ang issuance na ito ay posible na sa pagtatapos ng linggo ay mailabas na rin ito ng DILG.