DILG, inaming posibleng mas marami pang Delta variant cases ang nasa bansa

Posibleng mas marami pa ang kaso ng Delta variant sa bansa, kumpara sa 16 na bagong kaso na naitala ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing dahil base na rin sa pahayag ng Philippine Genome Center, ang naitalang 16 new cases ng Delta variant sa bansa ay parte lamang ng mga samples na nakukuha mula sa mga Local Government Unit (LGU) upang suriin.

Dahil samples lamang aniya ang mga ito, mayroong posibilidad na mas marami pang Delta, Alpha, o Beta variant kumpara sa mga naiulat na.


Ayon pa kay Usec. Densing, ang kailangan sa kasalukuyan ay paigtingin at palawakin pa ang operasyon ng Philippine Genome Center.

Importante rin aniya ang pagdaragdag ng COVID bed sa mga ospital, at pagpapalakas ng healthcare capacity ng mga LGU, habang hindi pa naa-identify ang lahat ng Delta variant.

Facebook Comments