DILG, inatasan ang ang mga LGUs na magtatag ng Novel Coronavirus task forces para harapin ang naturang World Health Emergency

Pinakilos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) lahat mga Local Government Units (LGUs) na ilagay sa mataas na antas ang kanilang paghahanda upang mapigilang lumaganap ang N-CoV sa ibang panig ng bansa.

Inatasan ni Secretary Eduardo Año ang mga LGUs magtatag na ng kani- kanilang  Coronavirus Task Forces upang makapaglatag ng mga proactive measures.

Pinamomonitor din ng kalihim ang mga pasahero na nagkaroon ng contact sa Chinese National na nagpositibo N-CoV test.


Responsibilidad aniya ng mga local chief executive na i-coordinate sa DOH ang maoobserbahang may sintomas ng naturang sakit sa kanilang lugar.

Pinatitiiyak din ng Task Force na may sapat na suplay ng kinakailangang equipment, protective gadgets sa mga lokalidad.

Facebook Comments