DILG, inatasan ang mga LGU na bumuo ng mga programa na makatutulong para maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., ang mga Local Government Units (LGUs) na bumuo ng mga programa na makatutulong na maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan.

Sa gitna ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Abalos, dapat bumuo ang mga LGU ng mga programa na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya lalo pa at pinaka-apektado rito ang mga mahihirap.


Kabilang sa programa na pinuri ng DILG ang R’Cebu Program kung saan itinatampok ang mga produkto, serbisyo, at tourist sites sa lalawigan.

Samantala, sinabi ng kalihim na nananatili pa ring prayoridad ng DILG ang laban kontra sa COVID-19 ngayong tumataas muli ang mga kaso sa bansa.

Pinaalalahan din ni Abalos ang mga LGU na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards ngayong nalalapit na ang implementasyon ng face-to-face classes sa Agosto.

Facebook Comments