Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mga lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang mga ipinatutupad nilang ordinansa hinggil sa pagsunod sa health protocols.
Ayon kay DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at mga law enforcers sa mag-iisang taon nang community restriction bunsod ng pandemya.
Matatandaang March 16 nang magdeklara ng lockdown sa luzon.
Kaugnay nito, inabisuhan din ng DILG ang mga LGU na magkaroon ng standardized penalties para sa mga lalabag sa ordinansa.
Samantala, nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na isara muli ang mga sinehan at amusement arcades kasunod ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Facebook Comments