Inatasan na ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGU) at iba pang ahensya na ilatag ang security measures upang mapigilan ang mga kriminal kasabay ng pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, dapat naka-deploy ang mga security units sa mga critical area upang hindi matuloy ang ilegal na aktibidad ng mga masasamang loob.
Nasa higit 35,000 pulis at 99,000 force multipliers o volunteers ang magbabantay sa mga sementeryo.
Nasa 600 miyembro ng PNP-Highway Patrol Group ang magbibigay ng seguridad sa ilang pangunahing kalsada.
Binigyang diin ng DILG na naka-full force ang PNP, BFP at LGU ngayong holiday break.
Facebook Comments