DILG, inatasan ang mga LGU na tanggalin ang mga campaign materials sa mga gov’t property

Manila, Philippines – Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na baklasin ang mga campaign materials na nakapaskil sa government properties.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi dapat magamit sa anumang partisan political activities ang government properties.

Maliban sa mga gusali, wala rin aniyang nakakabit na mga poster sa mga sasakyan ng gobyerno.


Kasabay nito, hinimok ng kalihim ang publiko na isumbong sa kanila o sa Commission on Election (Comelec) ang mga kandidatong lumalabag sa election law.

Hinihikayat rin ni Año ang publiko na kunan ng larawan ang mga gusali o sasakyan na ginagamit sa anumang interest ng mga kandidato.

Facebook Comments