DILG, inatasan ang mga LGUs na i-update ang kanilang vaccination masterlist sa pamamagitan ng VIMS-IR

Pinagsusumite ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR), Regions 3, 4-A, at 6 ng kanilang updated na vaccination masterlist, partikular na ang mga senior citizen, indigent, at informal settler gamit ang Vaccine Management System-Immunization Registry (VIMS-IR).

Ang VIMS-IR ay isang joint project ng Department of Health (DOH) at ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Makakatulong ang sistema sa citizen vaccination capture and automation; provider management and automation; supply chain management; at VIMS dashboarding, reporting, and analytics.


Sinabi ni DILG Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., na hangad nila ang pakikiisa ng mga pamahalaang lokal sa paggamit ng VIRM-IR sa pagtatala o pagrehistro ng kanilang mga kababayang prayoridad sa pagbabakuna.

Ani Florece, sa harap ng limitadong suplay ng bakuna, magagawang pasimplehin ang vaccination process hanggang sa kanayunan ng may maayos na sistema ng pagbabakuna sa bansa.

Facebook Comments