Dalawang araw bago ang “Undas”, mahigpit ang kautusan ng DILG sa mga Local Government Units na tumutok sa pagmonitor ng seguridad at kaayusan sa kanilang mga nasasakupan sa araw ng Undas.
Pinapa-convene na ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga local peace and order councils para maghanda ng contingency plan.
Kasabay nito, pinakikilos na rin ng DILG Chief ang mga barangay tanods na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga public at private cemeteries, mga memorial parks; at sa local at national roads.
Habang ang ibang barangay staff ay inaatasan na i-mentina ang kalinisan sa mga sementeryo mula sa kasagsagan hanggang matapos ang Undas.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat maging alerto ang mga LGUs dahil maaaring samantalahin ng mga grupong kriminal at ng mga gustong maghasik ng takot ang pag-uwi sa mga probinsiya ng milyon-milyong katao ng para dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ani ni Año, kailangang maging mapagbantay at proactive ang mga lgus para maagapan ang anumang banta ng lawless incidents.
Asahan na abot sa 30,000 police force ang naatasang magpatupad ng seguridad sa mga lugar na may maraming tao katulad ng malls, LRT at MRT stations, at mga simbahan.