Iniutos ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na gumawa ng protected biking lanes at walking paths para sa publiko.
Ayon kay Año, itinuturing nilang mode of transport ang pagbibisikleta at paglalakad habang mayroong pandemya.
Ayon kay Año, nagiging vulnerable na rin sa Coronavirus transmission ang public mass transportation sa kabila ng ipinatutupad na health protocols.
Hinihimok ng Kalihim ang publiko na maglakad at mag bisikleta para maiwasang makahalubilo ang maraming tao at mabawasan ang tiyansa ng hawaan ng virus.
Base sa pag-aaral, isa ang public transport system sa naging breeding ground ng COVID-19 transmission kaya’t hinihikayat ang mga Local Government Unit (LGU) na magtayo ng walking paths at bike lanes.
Layon din nito na matiyak na ligtas ang mga mamamayan sa kanilang paglalakad at pagbibisikleta.
Una nang nilagdaan ng DILG at National Government Agencies ang Joint Administrative Order 2020-0001 para maipatupad ang programa.