DILG inatasan ang PNP na hulihin ang mga nagbabandalismo

1053

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang Philippine National Police o PNP na arestuhin ang mga nagsasagawa ng bandalismo.

Ito ay matapos mabatikos ang pagbabandalismo sa underpass sa lungsod ng Maynila.


Ayon kay DILG Spokesman Undersecretary Jonathan Malaya labag sa ordinansa ang ginagawang bansalismo sa mga pampublikong lugar.

Dapat aniya hulihin ang mga ito para hindi na pamarisan ng iba.

Kailangan pang paigtingin ang paglalagay ng CCTV upang makita ang mga nasa likod ng nagbabandalismo at iba pang krimen.

Facebook Comments

From Advertisers