DILG, inatasan ang PNP na mahigpit na ipatupad ang face shield requirement

Sa harap ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) at ang mga Local Government Unit (LGU) na paigtingin ang implemetasyon ng pagsusuot ng face shields.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, mas makakamit ang maximum protection at maibababa ang antas ng hawahan kung parehong magsusuot ng face mask at face shield.

Sa ngayon ay 26% pa lang ang antas ng compliance sa face shield requirement.


Nanatiling malaking hamon kung paanong mas maraming katao ang makumbinsing mapagsuot ng face shield maliban sa face masks.

Ani Malaya, dapat na pakilusin ang mga force multipliers sa barangays para istriktong ipatupad ang face shield protocol.

Facebook Comments