DILG, inatasan ang PNP na tukuyin ang mga pulis na rumaraket bilang POGO escort

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na alamin kung sino ang mga tauhan nito na rumaraket o nagmu-moonlighting bilang mga escort ng Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at mga manlalaro nito.

Sinabi ni Abalos na bawal ang puwersa ng pulisya na magsilbing POGO security escort.

Binigyang-diin din niya na may mas mahahalagang bagay na dapat asikasuhin ang PNP kaysa sa pagbibigay ng seguridad sa mga operator at manlalaro ng POGO.


Sa halip na maging escort sa POGO, mas kailangan ang nakararaming pulis sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa October 30.

Facebook Comments