Binibigyan na ng sapat na seguridad ng pamahalaan ang mga health worker para ma protektahan sila laban sa diskriminasyon.
Sa ikatlong report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa joint congressional committee, nakasaad dito na inaatasan ng dilg ang lahat ng Local Government Units (LGUs) na maglaan o magbigay ng pansamantalang matutuluyan o accommodations sa health workers sa provincial o city hospital at iba pang pampublikong health facilities na may COVID-19 patients.
Ito ay para maiwasang magbiyahe pa patungo sa kanilang malalayong inuupahan ang mga health workers kung saan sila nakararanas ng pagtataboy ng kanilang komunidad.
Samantala, bilang karagdagang proteksyon sa health workers, pinagana na ng gsis ang bayanihan frontliner fund o mas pinalakas na group at personal accident insurance coverage para sa mga frontliner na lantad sa banta na mahawahan ng COVID-19 at iba pang peligro.
Itinaas na ngayon sa limandaang libong piso ang coverage ng health workers nang hindi sila gagastos para sa March 12 hanggang December 31, 2020 period.
Maliban dito, tuloy tuloy na rin aniya ang pamamahagi ng Department of Health (DOH) ng kailangang personal protective equipment at iba pang medical supplies para sa mga health workers, batay sa mga natatanggap na donasyon ng bansa at sa mga nabibiling supplies.
DILG, inatasan ni PRRD na magbigay ng pansamantalang matutuluyan ang mga medical frontliners upang hindi na sila bmyahe pa