DILG, inilunsad ang bagong kampanya na nagsusulong ng pag-amyenda sa saligang batas  

55

Inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang bagong kampanya para isulong ang pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Ang National Advocacy Campaign para sa ‘Equality Provision’ Amendments sa ilalim ng Constitutional Reform (CORE) ay pangangasiwaan ni DILG Usec. Jonathan Malaya.


Magsasagawa ang DILG ng countrywide forum para ipaliwanag ang mga proposed amendments sa publiko para makuha ang kanilang suporta para rito.

Pero nilinaw ni Malaya, na isinusulong pa rin ng DILG ang Federalism pero kailangan itong magkaroon ng common ground kasama ang iba pang member agencies bago magsumite ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Kongreso.

Tiniyak ni Malaya na patuloy nilang ikakampanya ang Constitutional Reforms bilang bahagi ng Economic at Political Agenda ng Duterte Administration.

Facebook Comments

From Advertisers