DILG, inilunsad na ang pinaigting na vaccine information drive upang pawiin ang pangamba ng publiko sa bakuna

Inilunsad ngayon ng Department of the Interior and Local Government ang pinaigting na public information drive upang labanan ang mga kumakalat na maling impormasyon patungkol sa COVID-19 vaccination efforts ng gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, bagama’t tumataas ang vaccine demand, lumalakas din ang disinformation o fake news.

Plano ng DILG na gamitin ang mga uniformed personnel tulad ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology sa pagpapaliwanag sa publiko sa benepisyo ng bakuna.


Batay sa datos ng OCTA Research Team, 23%-40% ng tinanong na 15,651 katao ang payag magpaturok ng bakuna.

55.9 % lang ang handang magpabakuna.

Habang 77.2 % ang nagsabi na magpapabakuna lang kung majority o nakakarami na ng populasyon ang vaccinated.

Facebook Comments