DILG, inirekomenda ang preventive suspension laban kay Daraga, Albay Mayor Baldo

Manila, Philippines – Inirekomenda na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman ang preventive suspension kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay kasunod ng pagiging utak umano nito sa pagpaslang kay Ako Bicol Reprsentative Rodel Batocabe.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, posible kasing magamit pa ni Baldo ang iba pang sakot sa krimen lalo na ang ilan pang mga tauhan ng munisipyo.


Una nang inihayag ni Año na isinasailalim na rin sa pag-aaral ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aalis ng deputation powers kay Baldo sa Daraga Municipal Police Station.

Facebook Comments