Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila Mayors na magpatupad ng uniform curfew hours para maiwasan ang pagkalito ng publiko.
Ang rekomendasyon ng DILG ay kasunod ng rekomendasyong dagdagan ang presensya ng mga pulis sa Metro Manila para mahigpit na ipatupad ang quarantine measures kabilang ang pagsunod sa physical distancing at pagsusuot ng face masks.
Ayon kay DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing, ang Local Government Units (LGUs) ay pwedeng magpatupad ng curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Aniya, iba-iba kasi ang curfew hours ng bawat lungsod.
Bukod sa multa at kulong, nais din ni Densing na patawan ng community service ang mga lalabag.
Facebook Comments