DILG, iniutos ang paglikha ng ‘OFW desks’ na aalalay sa pauwing repatriates sa harap ng COVID-19 crisis

Sa layuning mapabilis ang proseso ng pagpapauwi sa mga OFWs na apektado ng global COVID-19 crisis, pinakilos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng regional offices nito na magtatag ng ‘OFW desks’.

Ginawa ni DILG Secretary Eduardo Año ang direktiba kasunod ng mga report na may mga nakauwing OFWs ang pinagbabawalang makapasok sa kanilang sariling komunidad.

Hindi rin umano sila pinapayagang makagamit ng mga health facilities para sana sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.


Nangako ang kalihim na tutulungan ng ahensya ang mga OFW na makauwi sa kanilang mga kaanak pagkatapos ng panahon ng quarantine.

Pangunahing tungkulin ng DILG OFW desk officer na regular na makipag-coordinate sa mga local chief executive kaugnay sa mga impormasyon patungkol sa papauwing OFWs.

Imo-monitor din nito ang kalagayan ng kalusugan ng mga Filipino repatriates sa kanilang mga nasasakupan sa pakikipag-tulungan na rin ng mga municipal health workers at ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

Facebook Comments