Thursday, January 15, 2026

DILG, iniutos na mas paigtingin ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa Bagyong Ada

Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga high-risk areas at agad na isagawa ang preparedness at monitoring measures.

Bilang paghahanda sa paghagupit ng Bagyong Ada sa ilang parte ng bansa.

Nagbigay ng direktiba ang DILG na magsagawa ng pagpupulong ang mga LGU sa kanilang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment para masiguro ang napapanahon at data-driven decisions.

Kasama rito ang pagtukoy sa mga lugar na flood at landslide-prone para sa posibleng preemptive o mandatory evacuation.

Pinaalalahanan din ang mga LGU na siguruhin na ang kanilang Emergency Operations Centers (EOCs) and Incident Management Teams (IMTs) ay fully operational at handa para sa agarang activation.

Habang pinaghahanda rin ang mga posibleng maging evacuation center, mga stock, at iba pang critical emergency installation sa pagtama ng bagyo.

Hinihimok din ng kagawaran ang mga punong barangay na kanilang i-activate ang kanilang barangay-level preparedness protocols gamit ang “L!STO si KaP” guide at isagawa ang kritikal na paghahanda na may koordinasyon sa mga City o Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs).

Binigyang-diin ng DILG na kailangan ang patuloy na pagmo-monitor sa weather bulletin at sa mga abiso pati na rin ang implementasyon ng angkop na mitigation at preparedness action upang mabawasan ang panganib at maprotektahan ang buhay ng bawat isa.

Facebook Comments