DILG, inutusan ang PNP at LGUs na wag kunsintihin ang anumang uri ng karahasan sa nalalapit na halalan

Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) na pigilan ang lahat ng karahasan na may kinalaman sa eleksyon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ipinatatatag ni Sec Año ang regional special operations task group at magpakalat ng mobile force battalion.

Ani Malaya, direktiba din ng ahensya sa mga LGUs na wag kukunsintehin ang anumang uri ng karahasan sa eleksyon.


Paliwanag nito, magpapakalat sila ng pulis lalo na sa mga lugar na matindi ang labanan sa halalan.

Saka-sakali man aniyang mapatunayan nilang sangkot ang isang pulitiko sa vote buying o anumang uri ng karahasan ay agad nila itong kakasuhan.

Facebook Comments