DILG, ipinag-utos ang pagtugis sa mga gang at sindikato na nambibiktikma ng batang babae

Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang madaliang paghuli sa mga sindikato na nambibiktima ng mga batang babae.

Ito’y kasunod ng mga napaulat na pagtaas ng kaso ng panghahalay sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, hindi umano niya inasahan na mayroon lugar na numero unong naitatalang krimen na bukod sa nakawan o cybercrime maging ang rape o panghahalay.


Hindi naman sinabi ni Abalos ang partikular na lugar bagama’t sinabi nito na dapat pang mag-extra effort ang Philippine National Police (PNP) sa pagprotekta sa mga kabataang babae.

Samantala, ipinag-utos din ng ahensya ang pagbuo ng mas maraming “Kuwarto ni Neneng” o isang programa ng PNP sa mga komunidad kung saan nakakapagtala ng pagtaas sa mga kaso ng sexual abuse laban sa mga kababaihan.

Layon ng naturang program na magkaroon ng sariling kwarto ang mga nagdadalaga para matiyak ang kanilang privacy at kaligtasan.

Facebook Comments