DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGUs na gamitin ang StaySafe.ph

Ipinag-utos na ng Department of  the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na bawiin ang kani-kanilang contact tracing systems at sa halip ay gamitin ang StaySafe.ph application.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pwedeng gamitin ng mga LGUs ang official digital contact tracing system ng national government sa halip na magpatupad ng kanya-kanyang plataporma.

Ang hakbang na ito aniya ay paghahanda para sa full implementation ng national contact tracing system na makakatulong sa trabaho ng 255,000 contact tracers sa buong bansa.


Walang gagastusin ang mga LGUs sa paggamit ng StaySafe app.

Kung may sariling contact tracing system ang mga LGUs, dapat naka-integrate ito sa application.

Isinasapinal na ng DILG ang terms para sa formal turn-over ng application.

Facebook Comments