DILG, ipinagbawal ang pag-access ng mga taga-gobyerno sa mga online platforms

Ipinagbawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga kawani ng gobyerno ang online gambling.

Sa inilabas na Memorandum Circular 2025-082, sakop ng pagbabawal ang lahat ng opisyal, kawani at empleyado ng DILG.

Kasama rin dito ang mga attached agencies ng DILG at lahat ng mga elected at appointed local government officials.

Kasunod na rin ito mga impormasyon na nakarating sa ahensya na maraming taga-gobyerno ang nag-o-online gambling.

Batay sa kautusan, ipinagbabawal sa mga nabanggit ang pag-access sa mga online gambling platforms.

Ang direktiba ay alinsunod sa 1987 Constitution, sa ilalim ng R.A. 6713, at sa mga umiiral na presidential issuances.

Maari umano kasi itong makaapekto sa integridad ng serbisyo publiko at kredibilidad ng insitutusyon.

Ang mga lalabag ay mahaharap sa administrative at criminal sanctions.

Ang direktiba ay epektibo sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments