Dinipensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang aksyon ng Manila City Jail at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa proseso ng pag-escort sa detained activist na si Reina Mae Nasino.
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kumilos ng may pag-iingat, ng may propesyonalismo at integridad ang mga itinalagang bantay ni Nasino.
Ito’y kahit ininsulto at hinarass sila sa burol ng yumaong anak ni Nasino.
Sinabi ni Malaya, ang mga militanteng grupo ang nag-eskandalo at lumikha ng tensyon sa lamay.
Malinaw na ang layunin ng mga kaalyado ni Nasino ay i-provoke o galitin ang mga BJMP officer na hindi naman sila pinatulan.
Dagdag ni Malaya, ang isang okasyon na mapayapa ay hinaluan ng kagaspangan ng ugali ng mga leftist group.
Hindi rin aniya matatawag na political prisoner si Nasino.
Idinetine siya sa utos ng Regional Trial Court dahil sa kasong kriminal dahil sa illegal possession of firearms at explosives.