Ipinagtanggol ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga pulis na umaresto kay Dr. Natividad Castro.
Ito ay harap ng posibleng pagsasampa ng kasong administratibo at kasong kriminal ng Commission on Human Rights (CHR) laban sa arresting team.
Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, welcome sa kanila ang anumang imbestigasyon ng CHR, pero dapat maging patas at hindi bias ang komisyon.
Aniya, ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho nang arestuhin si Dr. Castro.
Iginiit pa ni Malaya na dumaan naman sa piskalya ang reklamo kay Castro at nakita ng city prosecutor na mayroong basehan ang bintang sa doktor.
Dagdag pa ni Malaya, kung hindi ginawa ng mga pulis ang kanilang tungkulin para isilbi ang warrant of arrest laban kay Castro ay sila naman ang makakasuhan.